Pages

Wednesday, 10 August 2016

6 Paraan Paano Umasenso Ang Isang OFW


1.)MAG-IPON - Importante ang makapag-ipon para rin ito sa kinabukasan mo.Hindi buong buhay mo ay nasa Abroad ka hindi mo alam hanggang kelan ka dito sa Abroad.Ang pag-iipon ay kayang gawin ng lahat ng tao kagaya mo.Karamihan kasi satin kaya hindi makapag-ipon ay dahilan din sa pagtulong sa mga Mahal sa buhay,hindi ibig sabihin na huwag mo silang tulungan para makapag ipon ka,Marami kasi satin hindi na namamalayan na wala siyang ipon dahil halos lahat ng kinikita niya pinapapadala sa pilipinas.Isa pa na dahilan ay ang pagiging "MALUHO" halimbawa, nalang ang pagiging maluho sa mga bagay na pwede naman hindi bilhin lahat.Simple lang naman ang paraan para makapag-ipon kailangan mo lang maging marunong o maging mahusay humawak sayong kinikita.Kagaya ng pagkakuha mo sa sahod mo maghulog ka kaagad sa banko mo kahit 1/4 ng sahod mo,magpadala sa pilipinas (Kalahati ng iyong sahod)at yong 1/4 na natitira ikaw na bahala magtipid o magbudget.Alam ko mahirap isipin di ba pero kung walang disiplina sa sarili walang mangyayari sayo dito sa Abroad.

Laging Tatandaan ang buhay ay weather weather lang...




2.) UTANG - Lahat ng tao ay may utang yan ang sabi nila yan madalas kong naririnig.Tama nga naman lahat tayo may utang.Ang alam ko may dalawang tawag sa utang.Ito yong Maliit na utang at Malaking utang.Ano ang maliit na utang?Ay maliit na halaga na inuutang na kayang-kaya mong bayaran hindi ka mahihirapan magbayad.Ano naman Ang MALAKING UTANG?Ang malaking utang ay mas malaki pa o higit pa sa Monthy Salary mo yan ang dahilan kung bakit nababaon ang tao sa utang dahil hindi inaayos ang pag-budget sa buwanang kita.Ikaw?naranasan mo na ba pumasok sa trabaho ng 30 Days na alam mong ang isang buwang pinaghihirapan mo ay ibabayad mo lang sa utang,Di ba ang bigat sa pakiramdam ng ganun.Kaya kong maari ay umutang ng sakto o kayang-kaya mo lang bayaran.Huwag sanayin ang sarili na mangutang subukan mong gumawa ng paraan upang maiwasan ito.Tanungin mo ang iyong sarili paano mo mababago ang life style mo na hindi ka na uutang or uutang ka man ay kayang-kaya mong bayaran.


Laging Tatandaan Ang Utang ay Utang na dapat bayaran.







3.)MAGING SIMPLE - Ang ibig kong sabihin sa maging simple ay ang pagiging simple mo sa pamumuhay.Marami akong nakilala o nakasalamuha na halos maubos ang kinikita sa pagiging mabisyo o maluho sa mga bagay,nakikipag karerahan sa uso,pagiging inggitera madalas nakaka-sira sa buhay.Halimbawa kapag may nakita siyang bagong sapatos na sout nang ka workmate niya bibili rin siya agad ng kagaya ng ganun or hihigitin pa.Hindi masama sumabay sa uso,Hindi rin masamang gumastos,pero kailangan tignan mo at siguraduhin mong hindi ka mababaon sa utang.kailangan alam mo saan mo ilulugar ito.


Laging Tatandaan Kapag inggitera ka inamin mo ring Panget ka.






4.)MAG-NEGOSYO - Maghanap kung saan pwede kang kumita,magpart time ka,kahit magkano ang kita basta ang mahalaga makatulong ka sa mga mahal mo sa buhay at makapag-ipon ka rin para sa sarili mo.Maraming negosyo na hindi kailangan ng napaka laking capital o puhunan.Maari kang magsimula gamit ang SIPAG at TIYAGA,Maraming negosyo naghihintay sayo pwede mong pag aralan matutunan paano mag online bussiness sa youtube,blogger,facebook madami pang iba.Pwede ka ring mag pa member sa Direct Selling Association.Marami na ring mga negosyong patok na pwede mo pag aralan.Alam ko karamihan sa mga kagaya kong OFW dahil sa sobrang busy sa trabaho walang oras para sa negosyo or pagSide line.Kaya kuntinto na lang sa ano ang kinikita na buwanang sahod.Ngunit,kung maari ay baguhin ang istilong ganito subukan mong gumawa ng paraan makapag negosyo or makapgSide line kahit kunting oras upang madagdagan ang kinikita.


Laging Tatandaan Huwag Abusuhin ang katawan kalusugan ay ingatan.





5.) EDUKASYON - Importaante ang karungungan.Dahil ito ang kayamanan na hindi mananakaw ninuman.Hindi ibig sabihin kapag ikaw ay matalino ay hindi ka na magmamasid o mag-aaral ulit.Ang talino kapag sinamahan ng sipag at tiyaga malayo ang mararating.Mas maganda kung ipagpapatuloy mo ang pagbabasa ng mga libro o panood o pag attend ng seminar tungkol sa pangkabuhayang negosyo o kung saan kikita ka.


Laging Tatandaan Kung walang Knowledge Walang Power





6.)MAPAGBIGAY - Tumulong sa mga nangangailangan lalong lalo na sa mga mahal sa Buhay.Sabi nila ang mag Share ng biyaya ay mas lalong mabibiyayaan.Huwag maging madamot sa kapwa kung ikaw ay nakakaluwang.Hindi ibig sabihin ay araw-araw kang magbibigay o ibuhos mo ang lahat.
Magaan sa pakiramdam ang makatulong  sa kapwa,Ngunit may iba rin kasi na umaabuso sa tulong mo.



Laging Tatandaan Ang taong mapagbigay magaling makibagay.







1 comment: