Pages

Tuesday, 16 August 2016

OFW Long Distance Relationship

Kabayan, Ano ang Status mo May jowa ka or May Asawa ka na?

Kapag ikaw ay nag-Abroad at hindi mo makakasama ang iyong Boyfriend,Girlfriend or Misis,o si Mister yan na si Long Distance Relationship papasok na sa buhay mo.
Ang Long Distance Relationship ay pag-subok sa dalawang nagMamahalan.Doon mararanasan ang maraming pag-subok.Susukatin hanggang saan ang pagmamahal at pag-titiis para lang panghawakan ang pagMamahal at ang iniwang PANGAKO sa isat-isa.Isa rin akong OFW naranasan ko din ang LDR Noong unang pag-Abroad ko halos di ko kayang magpaalam sa kanya na aalis ako at mag-tatrabaho sa ibang bansa 2 years contract ako doon,Di ba ang tagal?Pag dating ko palang sa ibang bansa siya agad ang laman ng isip ko na kihiram agad ako ng cellphone sa kakilala ko para matawagan siya.Narinig ko lang ang boses niya naghalo ang pakiramdam ko masaya at malungkot.Masaya dahil kausap ko siya at Malungkot naman dahil di ko siya nakikita o kasama yon ang naramdaman ko.Unang linggo..sunod na linggo..sumunod na linggo...naging busy na ako sa work ko hanggang Lumipas ang mga ilang buwan naging busy na talaga ako at nagkaroon ng maraming kaibigan.Naging madalang na ang pagtawag at pag text ko sa kanya dahil nga sa naging busy ako sa trabaho.Hindi nagtagal nag aaway na kami at pinag-isipan na niya ako na may iba na akong mahal kung ano-ano na ang hinala niya sa akin.Madalas na kaming mag-away kaya humantong sa hiwalayan.Isang Umaga pag gising ko pakiramdam ko may kulang sa sarili ko nakasanayan ko kasi sa tuwing umaga may text or miscall akong natatanggap mula sa kanya.Sinubukan ko siyang tinext at tinawagan pero walang text back at off ang cellphone niya.Na tapos ang maghapon hanggang sumapit ang gabi wala talaga akong natanggap na text or call sa kanya.Habang nakahiga ako hawak ko ang Picture naming dalawa Hindi ko namamalayan na pumatak na pala ang luha ko.Hindi ko rin namalayang natanong ko sa Sarili ko Bakit kami nagka ganito Ako ang may Kasalanan.?!Na Realize ko Ako ang may pagkukulang Ako ang nagpabaya at Ako ang BUMITAW.Kapag ang Relasyon pala lalo na hindi kayo magKasama kapag binigyan mo ng isang segundo or minuto o oras o araw na hindi mo panghahawakan ang relasyon na yon marami ang magBabago.Ang Mahalaga pala sa LDR ay ang oras mo para sa kanya.Ang tiwala at pagiging matiisin at pagiging matibay.Hindi natin maiiwasan may makikilalang iba kaya Karamahin satin hindi naiiwasang Madevelop sa iba dahil sa naging marupok at pinanghinaan at doon na tukso.Hindi naman talaga distansya ang nakakasira sa Long Distance Relationship Kundi ang kawalan ng TIWALA at mga Maling HINALA.Sabi nga nila  Malayo ka man sakin Hindi man kita nakikita,Kung buo ang iyong Tiwala ang pag-mamahal ko sayo di magbabago di mawawala.Maraming Relasyon ang nasisira dahil sa walang Tiwala at maling panghihinala.Kapag ang isa sa inyo ang makadama nito may isa sa inyo may nagawang pagkukulang.Hindi naman magkakaroon ng hinala ang isat-isa kung gagampanan ang responsibilidad,ipadama mo ang tunay mong pagmamahal kahit malayo kayo sa isat-isa,bigyan mo siya ng oras huwag mong hayaang mangyari sayo ang hantungang hiwalayan kung talagang Mahal mo siya kailangan mong maging matatag at maging matibay panghahawakan mo ang pangako mo sa kanya na Hindi mo siya sasakatan at hindi ipag-papalit o iiwan.OFW napakaraming pamilya ang na wasak dahil sa TUKSO naging marupok.Masakit man isipin pero yon ang Totoo.Wala namang nilalang na perpikto sabi nila.Opo walang perpikto sa Mundo pero hindi ibig sabihin ay papatukso ka na.Kung gusto mo talagang iwasan ang matukso kaya mo yon kung gugustuhin mo at gagawin mo.Sa LDR kung ikaw ang na ngakong babalikan mo siya panindigan mo dahil aasahan ka talaga niyang babalikan mo siya.Kung ang pangako mo ay na pako at tuluyan mo ng sinira ang Tiwala niya sayo at hindi na kayang maayos pa.Kung Sinuko mo na siya Ang ibig sabihin lang nun ay hindi kayo para sa isat-isa.

Laging tatandaan KUNG MAHAL MO SIYANG TALAGA,KAHIT MARAMI PANG GWAPO OR MAGANDA ANG DARATING SA BUHAY MO HINDI KA MAIINLOVE SA KANILA.




 





















Friday, 12 August 2016

10 Paraan Para Sa Interview Questions And Answers


Kabayan,Nagtataka ka ba kung bakit hanggang ngayon sa dami mong inaplayan walang magandang Resulta na nangyari.Ang hirap mag-apply di ba mararanasan mo yong paikot-ikot sa ibat-ibang lugar,pagod,minsan gutom pa dahil nagtitipid or wala na ring perang natira.Karamihan kasi sating mga kababayan ay basta-basta nalang sumusugod sa Job Interview. Ikaw ba ganoon din?Siguro may kulang o mali kang nagagawa o nasasabi kapag nasa Job Interview ka na.Dapat mong matuklasan o pag-aralan ang mga iyon kung paano mo babaguhin.Ang pag-aaply ay malaking pag-subok sating lahat kaya dapat malaking paghahanda rin ang dapat mong gawin.Kaya gusto kung e share sayo ang 10 TIPS INTERVIEW FOR QUESTIONS AND ANSWERS sana makatulong ito sayo.


1.) Tell me About yourself?
  • Start with your name
  • Give your place information
  • Education 
  • Job experience in short
For Example Answer:
       My name is Ponyong.I live in Manila Philippines.I have done BE in electrical and MBA in HR.I have 2 years experience in HR.


2.)Why do you want to work at our Company?
  • Tell them what you like about the company 
  • Relate it to your long term career goals
Example Answer:
Sir/Mam, it is a great privilege for anyone to work in a reputed company like yours.When i read about your company i found that my skills are matching your requirements.Where i can showcase my technical skills to contribute to the company growth.


3.)What are your Strengths?
  • Hardworking
  • Adaptability
  • Honest
  • Flexibility
  • Optimistic
  • Fast decision making
  • Persistence
  • Self Motivated 
Example Answer:
I am a honest,Self motivated and hardworking with positive attitude towards my career and my life.


4.) What are your Weakness?
  • Straight forward
  • Impatient
  • Sensitive
  • More talkative
  • I cant say no when someone ask for help
  • I am a bit lazy about which I am not interested
Example Answer: 
I can't say no when someone ask for help and I am a bit lazy about which I am not interested.


5.) Why Should I Hire You?
  • Share your knowledge
  • work experience
  • Skills related to job
  • Career Goal
Example Answer:
Sir/Madam with reference to my work experience I satisfy all the requirements for this job. I am sincere with my work and would never let you down in anyway.I promise you will never regret for the decision to appoint me in your company.


6.) Tell me what you know about this Company?
  • Study about the company details
  • Do the background work about new projects
  • Know the names of theirs owners and partners
  • Research about the company current issues
  • Update your knowledge about their competitors.
Example Answer:
It is one of the best fastest growing company in Philippines.The work environment of the company is very good.People feel proud to be part of the company as company provides full support to their employees in professional front it has many branches across the world so I have good opportunity to show my talent.


7.) Why are you looking for a job Change?
  • Thanks to previous Company
  • Explain what you learn from the past job experience
  • Share your reason for job Change
  • Relate to career goals
Example Answer:
I am thankful to my previous company because I have learn a lot of things form there.According to me changes are necessary for everyone to enhance your skills,knowledge are personal growth and financial growth.Your company is the good platform when i can learn more.


8.) What are your Career Goals?
  • Short term goal
  • Long term goal
Example Answer: 
My short term goal is to get a job reputed company where I can utilize my skills and improve my career path.My long term goal is to be in respectable position in that company.


9.) What are your Salary requirements?
  • Never share your Salary requirements as always say as per the company norm for the job
Example Answer:
I have 2 years of experience in HR field.My current CTC is 6 lpa Salary has never been a big issues for me.Still I am expecting Salary as company's norm as per my designation and my qualification and experience which can help me to maintain the standard of level of my personal and economical needs.


10.) Finally,do you have any questions to ask me?
  • Express Thanks
  • Salary Structure
  • Job timings
  • Job Location
  • Overtime allowance
Example Answer:
Thank you for giving this opportunity.Sir/Madam I would like to know about the job timings and transport facility and what will be the job location and Salary scale for job in your Company.







Wednesday, 10 August 2016

6 Paraan Paano Umasenso Ang Isang OFW


1.)MAG-IPON - Importante ang makapag-ipon para rin ito sa kinabukasan mo.Hindi buong buhay mo ay nasa Abroad ka hindi mo alam hanggang kelan ka dito sa Abroad.Ang pag-iipon ay kayang gawin ng lahat ng tao kagaya mo.Karamihan kasi satin kaya hindi makapag-ipon ay dahilan din sa pagtulong sa mga Mahal sa buhay,hindi ibig sabihin na huwag mo silang tulungan para makapag ipon ka,Marami kasi satin hindi na namamalayan na wala siyang ipon dahil halos lahat ng kinikita niya pinapapadala sa pilipinas.Isa pa na dahilan ay ang pagiging "MALUHO" halimbawa, nalang ang pagiging maluho sa mga bagay na pwede naman hindi bilhin lahat.Simple lang naman ang paraan para makapag-ipon kailangan mo lang maging marunong o maging mahusay humawak sayong kinikita.Kagaya ng pagkakuha mo sa sahod mo maghulog ka kaagad sa banko mo kahit 1/4 ng sahod mo,magpadala sa pilipinas (Kalahati ng iyong sahod)at yong 1/4 na natitira ikaw na bahala magtipid o magbudget.Alam ko mahirap isipin di ba pero kung walang disiplina sa sarili walang mangyayari sayo dito sa Abroad.

Laging Tatandaan ang buhay ay weather weather lang...




2.) UTANG - Lahat ng tao ay may utang yan ang sabi nila yan madalas kong naririnig.Tama nga naman lahat tayo may utang.Ang alam ko may dalawang tawag sa utang.Ito yong Maliit na utang at Malaking utang.Ano ang maliit na utang?Ay maliit na halaga na inuutang na kayang-kaya mong bayaran hindi ka mahihirapan magbayad.Ano naman Ang MALAKING UTANG?Ang malaking utang ay mas malaki pa o higit pa sa Monthy Salary mo yan ang dahilan kung bakit nababaon ang tao sa utang dahil hindi inaayos ang pag-budget sa buwanang kita.Ikaw?naranasan mo na ba pumasok sa trabaho ng 30 Days na alam mong ang isang buwang pinaghihirapan mo ay ibabayad mo lang sa utang,Di ba ang bigat sa pakiramdam ng ganun.Kaya kong maari ay umutang ng sakto o kayang-kaya mo lang bayaran.Huwag sanayin ang sarili na mangutang subukan mong gumawa ng paraan upang maiwasan ito.Tanungin mo ang iyong sarili paano mo mababago ang life style mo na hindi ka na uutang or uutang ka man ay kayang-kaya mong bayaran.


Laging Tatandaan Ang Utang ay Utang na dapat bayaran.







3.)MAGING SIMPLE - Ang ibig kong sabihin sa maging simple ay ang pagiging simple mo sa pamumuhay.Marami akong nakilala o nakasalamuha na halos maubos ang kinikita sa pagiging mabisyo o maluho sa mga bagay,nakikipag karerahan sa uso,pagiging inggitera madalas nakaka-sira sa buhay.Halimbawa kapag may nakita siyang bagong sapatos na sout nang ka workmate niya bibili rin siya agad ng kagaya ng ganun or hihigitin pa.Hindi masama sumabay sa uso,Hindi rin masamang gumastos,pero kailangan tignan mo at siguraduhin mong hindi ka mababaon sa utang.kailangan alam mo saan mo ilulugar ito.


Laging Tatandaan Kapag inggitera ka inamin mo ring Panget ka.






4.)MAG-NEGOSYO - Maghanap kung saan pwede kang kumita,magpart time ka,kahit magkano ang kita basta ang mahalaga makatulong ka sa mga mahal mo sa buhay at makapag-ipon ka rin para sa sarili mo.Maraming negosyo na hindi kailangan ng napaka laking capital o puhunan.Maari kang magsimula gamit ang SIPAG at TIYAGA,Maraming negosyo naghihintay sayo pwede mong pag aralan matutunan paano mag online bussiness sa youtube,blogger,facebook madami pang iba.Pwede ka ring mag pa member sa Direct Selling Association.Marami na ring mga negosyong patok na pwede mo pag aralan.Alam ko karamihan sa mga kagaya kong OFW dahil sa sobrang busy sa trabaho walang oras para sa negosyo or pagSide line.Kaya kuntinto na lang sa ano ang kinikita na buwanang sahod.Ngunit,kung maari ay baguhin ang istilong ganito subukan mong gumawa ng paraan makapag negosyo or makapgSide line kahit kunting oras upang madagdagan ang kinikita.


Laging Tatandaan Huwag Abusuhin ang katawan kalusugan ay ingatan.





5.) EDUKASYON - Importaante ang karungungan.Dahil ito ang kayamanan na hindi mananakaw ninuman.Hindi ibig sabihin kapag ikaw ay matalino ay hindi ka na magmamasid o mag-aaral ulit.Ang talino kapag sinamahan ng sipag at tiyaga malayo ang mararating.Mas maganda kung ipagpapatuloy mo ang pagbabasa ng mga libro o panood o pag attend ng seminar tungkol sa pangkabuhayang negosyo o kung saan kikita ka.


Laging Tatandaan Kung walang Knowledge Walang Power





6.)MAPAGBIGAY - Tumulong sa mga nangangailangan lalong lalo na sa mga mahal sa Buhay.Sabi nila ang mag Share ng biyaya ay mas lalong mabibiyayaan.Huwag maging madamot sa kapwa kung ikaw ay nakakaluwang.Hindi ibig sabihin ay araw-araw kang magbibigay o ibuhos mo ang lahat.
Magaan sa pakiramdam ang makatulong  sa kapwa,Ngunit may iba rin kasi na umaabuso sa tulong mo.



Laging Tatandaan Ang taong mapagbigay magaling makibagay.